Tuesday, June 8, 2010




Hinanap mo ang buhay mo
Sa piling ng mga taong kinailangan mo
Hinap ang kaligayahan
Sa mga munting bagay na ginawa mo
Pinilit mong intindihin
Ang dahilan ng bawat buhay
Ngunit sa huling paglalakbay
Ikaw parin ay nawalay

Hinanap mo ang iyong sarili
Nagpakalayo layo sa bandang huli
Ikaw ay naligaw at nadapang muli
Naghanap ng muling kakampi
Pakiramdam mo iniwan ka ng lahat
Pinabayaan at di tinanggap
Ngunit sa kabila ng lahat
May naghihintay na ika'y tumawag

Sa dulo ng iyong paglalakbay
May liwanag kang natanaw
Isang aninag sa iyong mga mata
Tila ikaw ay tinatawag
Lumapit ka at kumapit
Sa higpit ng kamay mong kapit
At dinala ka sa lugar ng saya
Ng walang pasubalit

Nakita mo ang buhay
Nagpakasaya ka sa kanya
Naniwala at natuto kang
Magtiwla sa kanya
Tinanggap at hinubog
Ang buhay mo pansamantla
Ngunit ikaw ay lumayo
At pilit iniwan sya

Pinakinggan ka nya
At binigyan ng muling pagasa
Dininig ang iyong hiling
Pinakita ang mga gawa nya
Ngunit bakit ka lumayo
At di na muling nagtiwala
Sa mga bagay na pilit nyang
Pinakikita sa iyong mga mata

Ngayon ika'y nagtatanong
At naghanap muli ng sagot
Sa lahat ng mga bagay bagay
Na pilit mong nililimot
Nadapa ka't tumayo
Ngunit hindi makausod
Sa mga pagtatanong
Na pilit mong sinasagot

Kamay nya'y inilalapit
Bakit di mo pinapansin
Ang hirap sa buhay mo
Ay uti uting bumabalik
Ang lungkot sa'yong mata
Pilit mong di pinupuna
Andiyan lang sya at hihintay ka
Na muli mong tawagin ang pangalan nya

Hanapin mo ang buhay mo
Sa paraan na alam mo
Binigay ang pagkakataon
Na baguhin ang sarili mo
Ginamit ang mga tao
Na kinakailangan mo
Ngunit bakit di mo makita
Ang nais iparating sa'yo


Wag kang mangamba
Sa mga pinangako nya
Dahil sa lahat ng hirap
Saya ang dulot nya
Bumalik ka lang anak
Naghihintay lamang sya sayo
At hayaan mong hubugin ka
Sa paraan na alam nito

>:)

No comments:

Post a Comment